Saturday, September 5, 2009

remembering him -by Onnie Castillo

--- On Sat, 9/5/09, jeremi castillo <onnie7days@yahoo.com> wrote:

ilang taon na ang lumipas...marami ng nagdaan at nagbago...marami na tayong nalimutan at nakalimutan at kinalimutan...
pro may isang tao na palaging nasa isip ko isang tao na nakilala at nakasama ko sa ministeryo...nag start kami na mga bata pa nasa high school kaming 2...year 1992 ng una ko sya makilala at makasama sa youth ministry sa tagaytay crossing silang pa ang church non...yung sabay kaming nanonood lang sa music ministry...tanda ko pa ang banda non...si kuya Mar baurile,si Kuya Jun hernandez,si kuya tony...mga inspirasyon nming 2 noong bata pa kmi..year 1993 ng simula kaming gamitin ng panginoon sa music ministry...sa BUHO na po ang church non na ang dingding e plywood pa...ang pastor noon si Pastora AMor layague...
naging part kami ng music ministry,arts and design at maintenance ng church...nakita ko kung gaano katalented ang tao na ito at kung gaano sya kasipag..sya ang driver,mekaniko,bahista,artist,at matalik kong kaibigan...nakita ko kung gaano sya ka committed sa panginoon na khit noong nasa panahon na sya ay may sakit wala syang hindi gagawin para makapaglingkod sa panginoon..nakita ko kung paano sya mgpuyat sa pag gawa ng mga designs natin sa church...alam ko lahat kasi ako ang assistant nya..alam ko ang pangarap nya para sa music ministry noon...nakita ko ang dedication nya sa ministry...friday pa lang sa church na kami natutulog para maayos namin ang simbahan...nakita ko kung gaano ang malasakit nya sa mga kapatiran lalo na sa mga kasamahan nya sa ministeryo...hindi yata sya marunong magalit...hindi rin sya marunong humindi...kasamhan ko sya sa banda ako sa drums,si Willy ng Lumil ang gitarista at sya ang bahista...
gusto ko lang po malaman ng mga  kabataan ngayon at maalala na minsan may isang tao na katulad nya isang kabataan na tulad nya na  ibinigay ang buong buhay sa paglilingkod...na sa paglilingkod nya hindi ko sya narinig na nagreklamo...hindi ko sya nakita na umabsent pag may praktis at sunday service...na kahit pagod na pagod na e ipag didrive pa din ang mga kaptiran para makauwi at makatulog ng maaga at sya namn ay saka pa lang makakauwi at makakatulog..kasama ko sya sa hirap at ginhawa...
ngayon po siya ay nasa piling na ng ating panginoon..sana po maalala natin sya khit minsan lng na may isang kabataaan na katulad nya...namatay po sya sa eda na 21...
ang pangalan po nya ay EDWARD JAVIER ang matalik at mabait kong kaibigan....

1 comment:

  1. Thanks kuya onnie for reminding us about kuya edward,... maganda nga na mabasa toh ng mga kabataan ngayon. It somehow shake me kasi I'm one of those youth na napapagod sa dami ng ginagawa. Salamat kasi it inspired me more to go on and mahiya sa mga ikinikilos ko..
    Thanks! God bless..

    ReplyDelete